Dolly de Leon, kasali sa Honorable Mention List ng Gold List 2025

Dolly de Leon, kasali sa Honorable Mention List ng Gold List 2025

KASALI sa Honorable Mention List ng Gold List 2025 si Pinay actress Dolly de Leon para sa kaniyang best supporting performance sa 2024 comedy/drama na ‘Ghostlight’.

Hindi naman pinalagpas ni Dolly ang pagpapaabot ng pasasalamat dahil sa karangalang ito.

Ang ‘Ghostlight‘ ay unang nai-premiere sa Sundance Film Festival noong Enero 18, 2024 at ini-release ng IFC Films at Sapan studio noong Hunyo 14.

Kinilala rin ito ng National Board of Review bilang isa sa Top 10 Independent Films ng nakaraang taon.

Samantala, kasama ni Dolly sa Honorable Mention List si Michelle Yeoh para sa kaniyang supporting performance sa 2024 musical/fantasy film na ‘Wicked’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble