Sara-BBM tandem, malaking dagok sa oposisyon— Rep. Marcoleta

Sara-BBM tandem, malaking dagok sa oposisyon— Rep. Marcoleta

MALAKING dagok sa oposisyon ang kandidatura nina Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte kahit sino man ang tatakbo sa kanila sa pagkapangulo sa susunod na halalan.

Sa isang pahayag, sinabi ni SAGIP Representative Rodante Marcoleta na kahit magkaroon ng BBM-Sara o Bongbong for president at vice si Sara o Sara-BBM o pangulo si Sara at vice si BBM ay parehong maliligalig ang oposisyon.

Tiniyak din ni Marcoleta na malaking dagok at pupulutin sa kangkungan ang oposisyon alinman man ang pinal na kombinasyon na kalalabasan ng tandem ng dalawa.

Samantala, nanawagan naman ng suporta si Mayor Sara sa lahat ng nagtitiwala sa kanya.

Umaasa rin ang Mayora na maibibigay niya ang kagustuhan ng kanyang mga taga suporta sa kanyang gagawing desisyon sa paparating na eleksyon.

SMNI NEWS