NASURPRESA ang buong Hugpong ng Pagbabago Party.
Ito ang naging pahayag ni Hugpong Pagbabago Party Secretary General Anthony del Rosario hinggil sa pag-resign ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa pagiging miyembro ng partido.
Ani Del Rosario, bagamat nananatiling suportado nila si Mayor Inday Sara, hindi umano nila inaasahang aanib sa isang national party ang alkalde.
Dahil dito, sinabi ni Del Rosario na magkakaroon sila ng meeting ngayong araw at posibleng makikipag-alyansa sila sa Lakas-CMD.
Kagabi nang nanumpa si Mayor Inday Sara sa harap ni Lakas-CMD President at House Majority Leader Rep. Martin Romualdez.
“Tonight, I formally became a member of Lakas-CMD,” pahayag ng alkalde.
Sinaksihan naman ito ni Sen. Bong Revilla, ang Party Chairman ng Lakas-CMD sa Revilla Farm, Silang, Cavite.