MALINAW na susuportahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte si Presidential aspirant Bongbong Marcos at hindi si Senator Ronald ”Bato” Dela Rosa.

Naibahagi na rin ni Sara na ang pinag-usapan nila ni Marcos ng sila’y magkita sa Cebu ay kung paano makakatulong ang partido ng alkalde sa presidential bid nito.
Ayon kay Sara all 2022 co-convenor Peter Lavina sa panayam ng SMNI news malinaw naman na ayaw ni Inday Sara na maging bahagi sya sa ruling party PDP-Laban.
Dahil dito, malaki ang tsansa na hindi si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang susuportahan ng alkalde.
Samantala, napagdesisyonan ng Sara all Philippines na antayin nalang kung ano ang mangyayari hanggang November 15.
Sakaling magbago ang desisyon ni Inday Sara at tatakbo ito ng posisyon sa national race, maaari syang palitan ni Cong. Paolo Duterte bilang Mayor ng Davao.
Ayon kay Lavina, may sarili rin kasing galaw si Inday Sara na hindi alam ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw rin ni Lavina na bagamat magkaiba ang pananaw ng dalawa sa politika, maganda naman ang relasyon ng mag-ama sa kasalukuyan.
