Sasakyang pandagat, mainam na binili ng PCG kaysa luxury vehicle—Roque

Sasakyang pandagat, mainam na binili ng PCG kaysa luxury vehicle—Roque

MAS mainam na binili ng Philippine Coast Guard (PCG) sa halos P10-M ay ang sasakyang pandagat na makapagtatanggol sa mga Pilipinong mangingisda sa karagatan.

Komento ito ng dating Palace official na si Atty. Harry Roque hinggil sa biniling luxury vehicle ng PCG na nagkakahalaga ng P5-M at ang bulletproofing dito na nagkakahalaga ng P2.8-M.

Ayon pa ni Atty. Roque, hindi sa EDSA tatargetin ng kalaban halimbawa ang commandant ng PCG para kakailanganin nito ang bulletproof na luxury vehicle.

Ipinaliwanag na ng PCG na ang binili nilang luxury vehicle ay para sa ligtas na transportasyon ng kanilang commandant.

Nagmumula naman anila ang perang ipinambili mula sa rebates ng isang oil company.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter