SB19, prayoridad ang “good health” para sa fans

SB19, prayoridad ang “good health” para sa fans

IBINAHAGI ng P-pop boy group na SB19 na prayoridad nila ang kanilang magandang kalusugan kahit gaano man kasiksik ang kanilang schedules.

Sa isang interview, inilahad nila na sumasalang sila ng weekly at monthly check-ups para matiyak na physically at mentally healthy silang lima.

Regular din ang kanilang pag-inom ng vitamins upang masiguro anila na nananatiling energetic ang kanilang performance para sa fans.

Kasama na rin anila dito ang tamang pagkain at pagkakaroon ng sapat na tulog.

Sa kabuoan, binigyang-diin ng grupo na ang pagpapanatili ng magandang kalusugan ay pagpapakita rin kung gaano nila pinapahalagahan ang lahat ng kanilang taga-suporta.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter