Janella Salvador, tinawag na “arogante” ang mga Pinoy na ‘di marunong tumangkilik ng local films

Janella Salvador, tinawag na “arogante” ang mga Pinoy na ‘di marunong tumangkilik ng local films

TINAWAG ni Janella Salvador na arogante at mapagmataas ang mga kapwa Pinoy na walang panahon para manood ng local films kumpara sa mga pelikula na gawa sa ibang bansa.

Nag-ugat ang komentong ito sa naranasan ni Richard Juan, ang film producer ng pelikula ng aktres na “Under Parallel Skies”.

Ayon sa aktres, “walang panahon para dyan” ang sagot ng “friend” ng kanilang film producer matapos imbitahan itong manood sa pelikula.

Sa panig ng producer na si Juan, nasaktan siya sa sagot ng friend niya at inaming mas lalo pang nagpahirap sa local filmmaking ang ganitong uri ng mentalidad ng kapwa Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble