School infra, malaking hamon pa rin sa edukasyon ng mga bata

School infra, malaking hamon pa rin sa edukasyon ng mga bata

INILAHAD ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga hamon sa Education sector at mga plano nito para maaddress ang mga problema sa edukasyon ng mga bata sa loob ng 6 na taon.

Aminado ang DepEd na isyu pa rin sa edukasyon ng mga bata ang kakulangan ng maayos na paaralan.

Sa Basic Education Report (BER Report) 2023 na inilahad ni VP Duterte, nasa mahigit 80,000 na mga paaralan ang nangangailangan ng major repair habang nasa mahigit 100,000 ang kailangan ng minor repair habang nasa mahigit 21,727 school building ay nasa condemnation na.

Sa kabuoan mayroong 327, 851 school buildings sa bansa pero wala pa sa kalahati ang nasa maayos ang kondisyon dahil na rin sa mga nagdaang kalamidad partikular sa Visayas.

Ito raw ay isa sa mga tutukan ni VP para sa kapakanan ng mahigit 28M enrollees sa pamamagitan ng paglalagak ng pondo para dito sa taong 2023.

 “The lack of school infrastructure and resources to support the ideal teaching.. And maintain school infrastructures / to accommodate the growing number of learners all over the Philippines,” wika ni VP Sara Duterte.

“We need P9.82 Billion for the repair and replacement of Odette-damaged. We have recently created the school infrastructure and facilities strand,” aniya pa.

Maliban dito, pangako ni Duterte ang pagkakaroon ng E Class room na mayroong mga laptop, charging carts, at mga Smart TV.

Literacy ng mga bata sa Pilipinas, ikinaalarma ni VP Duterte

Samantala, kinaaalarma naman ni VP Duterte ang literacy o pagkatuto ng mga bata sa Pilipinas batay sa inilabas na resulta ng pandaigdigang pagsusulit bago pa pumasok ang pandemya kung saan bagsak ang ating mga estudyante sa mga subject tulad ng math at science.

Para masolusyunan ang ilang hamon sa edukasyon, sisimulan na ng DepEd ang pagrepaso sa K-12 Curriculum.

Aminado ang DepEd na congested na ang curriculum ng mga bata at ang pangako nito na makakapagbigay ng employment sa mga mag-aaral hindi pa rin natutupad ng gobyerno.

“We will revise the K to 12 Curriculum to make them more responsive to our…particularly among disadvantaged students,” dagdag ni VP Sara.

Maging ang literacy at numeracy programs, isa sa mga tutukan ng administrasyon ni VP Sara.

Ang mga guro, hindi rin nakaligtaan ng kalihim.

Maliban sa pagpapaunlad ng kanilang abilidad sa pagtuturo, pauunlarin din ng kagawaran ang mga benepisyong tinatanggap ng mga ito.

 “We will implement the policy on the distribution of teacher’s workload,” aniya pa.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinaksihan ang paglalahad ng plano ng kaniyang bise.

Sinusuportahan ng Pangulo ang mga plano ng kaniyang VP at kumpyansa aniya ang Punong Ehekutibo sa abilidad nito para mabago ang edukasyon ng bansa.

 “We in the administration, recognizes the challenges and issues facing our education sector. All of which must be confronted with an open mind and compassion for those who might have fallen behind over the past few years,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“I am confident that we will see noticeable improvements moving forward because our DepEd that is spearheaded by no less than our hardworking VP Inday Sara Duterte is there,” ayon pa sa Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter