Sec. Eduardo Año, nagpasalamat kay PBBM sa tiwala at kumpiyansa nito na pamunuan ang NSA

Sec. Eduardo Año, nagpasalamat kay PBBM sa tiwala at kumpiyansa nito na pamunuan ang NSA

NAGPASALAMAT si Secretary Eduardo Año kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tiwala at kumpiyansa nito sa kanya.

Si Año ay itinalagang National Security Adviser (NSA) at director general ng National Security Council (NSC).

Dagdag pa ni Año, tunay na isang karangalan para sa kaniya at sa kanyang pamilya na mabigyan muli ng pagkakataon na makapagsilbi sa bansa at sa mamamayang Pilipino.

Saad pa ng opisyal, batid nito na ang posisyon ng NSA at ang mga tungkulin at responsibilidad na kaakibat nito, ay tiyak na malaki at kumplikado.

Ganunpaman, nakahanda si Año nang buong puso na mag-ambag sa pagtulong sa Presidente at sa mga pangunahing opisyal ng gobyerno.

Ito’y lalo na sa pagtiyak sa proteksyon ng sambayanang Pilipino, maging sa soberenya, territorial integrity at democratic institutions ng bansa.

Samantala, hinikayat ng NSA chief ang lahat na magkaisa at magtulungan tungo sa mapayapa at progresibong bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter