NAIS ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na madagdagan pa ang pondo ng Anti-Insurgency Task Force (AITF) ng pamahalaan.
Ayon kay Gadon, naging matagumpay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagbawi sa mga lugar na pinupugaran ng mga rebelde.
Bukod pa dito, malaking tulong din ang NTF-ELCAC sa pagsugpo sa kahirapan at insurhensiya dahil sa paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mga malalayong lugar.
Matatandaan na mula sa P18-B pondo noon, ngayong taon ay nabigyan lamang ang NTF-ELCAC ng P10-B.
At giit ni Gadon, ubos na ang naturang pondo ngayong kalahating taon pa lamang.
Binigyang-diin ng anti-poverty czar na dahil hindi implementing agency ang kaniyang hinahawakang opisina, irerekomenda nito ang assessment sa mga lugar na kailangan ang NTF-ELCAC.
Tiniyak naman ni Gadon na pangungunahan ang pagkilos ng mga ahensiya ng gobyerno para masugpo ang kahirapan sa bansa.
Matatandaan na nitong Hunyo 26 lang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.