Sec. Tulfo, pasimpleng sinagot ang #NasaanAngPangulo post ng mga kritiko ni PBBM

Sec. Tulfo, pasimpleng sinagot ang #NasaanAngPangulo post ng mga kritiko ni PBBM

PASIMPLENG sinagot ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo ang palagiang hirit ng mga basher ng administrasyon sa kung nasaan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Twitter, naglipana ang #NasaanAngPangulo post kung saan ang pinatutungkulan ay kung nasaan na ang aksyon ng Punong Ehekutibo para sa mga biktima ng bagyo.

Ngunit sa kanyang Facebook post, pasimpleng sinopla ni Tulfo ang bashers ng Pangulo at ipinakita ang larawan ng biyahe nila ni PBBM papuntang Maguindanao para mamahagi ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Paeng.

Saad din ni Tulfo sa kanyang post na pinakinggan ng Pangulo ang hinaing ng mga tao.

Sa kanilang pagpunta sa Bangsamoro Region, ay inatasan ni PBBM ang DSWD na mamahagi ng P5,000-P10,000 cash assistance para sa mga nawalan ng bahay dulot ng bagyo.

‘’Your government is always here to help you,’’ saad ni PBBM kay Sec. Tulfo.

Sa nagdaang administrasyon, epektibong pangontra sa #NasaanAngPangulo tactics ng mga kritiko ang mga pasimpleng selfie ni Senator Bong Go kasabay ng banggit ng lokasyon nila ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Follow SMNI NEWS in Twitter