TUMANGGAP ng MacBook Air ang mga secondary public school teacher at school heads ng Bataan.
Nasa 2,500 MacBook Air Laptops ang ipinamahagi ng Bataan Provincial Government.
Pinondohan ito sa pamamagitan ng Special Education Fund ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Bataan Governor Joet Garcia na layon ng nasabing proyekto na mas lalong maging epektibo ang mga guro at punong guro sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
Aniya sa pamamagitan ng mga nasabing laptop ay mas maayos na magagamit ang XEPTO Learning Management System (LMS) na layong mabigyan ng access ang mga mag-aaral sa learning materials.