Seguridad ng FIBA Basketball World Cup sa bansa, tiniyak ng PNP

Seguridad ng FIBA Basketball World Cup sa bansa, tiniyak ng PNP

TINITIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng FIBA Basketball World Cup sa bansa ngayong Agosto.

Ito’y upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari tulad ng naitala sa ibang bansa sa kasagsagan ng torneyo.

Sa Pulong Balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na magiging katuwang nila ang ibang ahensiya ng gobyerno at law enforcement agencies sa pagpapatupad ng seguridad.

Ayon kay Fajardo, hindi lamang sa playing venues magtatalaga ng mga tauhan ang PNP ngunit maging ang counter-intelligence ay naatasan ding magbantay upang maging maayos ang pagho-host ng Pilipinas.

Nakatakdang ganapin ang FIBA World Cup mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, kung saan ang opening ceremony ay mangyayari sa Philippine Arena sa Bulacan.

Follow SMNI NEWS on Twitter