Sehun at Chanyeol ng EXO, magsasagawa ng ‘fan con’ sa Mayo

Sehun at Chanyeol ng EXO, magsasagawa ng ‘fan con’ sa Mayo

NAKATAKDANG dumayo ang sub-unit ng sikat na boy group ng EXO na EXO-SC sa bansa para sa gagawin nitong “fan con” sa Mayo ayon mismo sa local promoter na PULP Live World.

Inihayag ng PULP sa kanilang Twitter na ang fan con ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City sa May 20.

Ang sub-unit na EXO-SC ay binubuo ng mga miyembro nila Sehun at Chanyeol.

Sa ngayon ay nakatakda pa lamang na ianunsyo ng PULP kung magkano ang presyo ng ticket at kung kailan magsisimula ang bentahan nito.

Matatandaan na noong 2019 nang ilabas ng ECO-SC ang full-length album nito at isang extended play.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter