NASA 63% sa mga pamilyang Pilipino ang ikinokonsiderang mahirap ang kanilang estado sa buhay.
Batay ito sa 2024 fourth quarter survey result ng Social Weather Stations (SWS) na isinapubliko nitong Enero 8, 2025.
Ayon sa SWS, ito na ang pinakamababa na survey result sa loob ng 21 taon kung saan naitala ang 64% noong Nobyembre 2003.
Sa kaparehong survey result, 11% ang nasa ‘borderline’ o sa pagitan ng mahirap at hindi mahirap habang 26% lang ang nagsasabing hindi sila mahirap.
Samantala, kung ikukumpara ito sa Setyembre 2024 result, nasa 59% lang noon ang mga pamilyang Pilipino na nagsasabing mahihirap sila.
Ang 4th quarter survey ng SWS ay mayroong 2, 160 adult respondents at isinagawa ito noong Disyembre 12-18, 2024.