Mahigit 1,700 na lugar sa bansa, kabilang sa color coded category ng COMELEC sa gitna ng paghahanda sa midterm elections

Mahigit 1,700 na lugar sa bansa, kabilang sa color coded category ng COMELEC sa gitna ng paghahanda sa midterm elections

INILABAS na ng Commission on Election (COMELEC) ang mga lugar na nasa ilalim sa color coded category na posibleng mapasailalim sa kontrol ng ahensiya.

Batay sa pinakahuling tala ng COMELEC sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, LGU at Security Sectors nasa 1,239 lugar ang nasa Green Category, 188 lugar sa Yellow Category, 177 sa Orange Category at 38 naman ang nasa Red Category.

Umaasa ang COMELEC na mababago at mababawasan pa ang bilang ng mga nasa kategorya na ito sa pakikipagtulungan ng publiko at suporta ng pulisya at militar para maisakatuparan ang payapang halalan ngayong taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter