AGAD na pinakikilos ni Senator Sonny Angara ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pag-aabot ng tulong sa lahat ng apektadong pamilya sa oil spill na sa baybayin ng Naujan sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Sen. Angara, chairman ng Senate Committee on Finance, aabot sa 37 bilyong piso maaaring magamit ng DSWD para matulungan ang mga apektadong pamilya.
Na tumalakay sa annual national budget, ang P5.268-T General Appropriations Act (GAA) para sa 2023 ay naglalaman ng kabuoang P37-B para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSFIDC) ng DSWD na maaaring magamit para matulungan ang mga apektadong pamilya.
Partikular na tinukoy ni Angara ang Assistance to Individuals in Crisis Situation program na maaaring sumaklaw sa sitwasyon sa Oriental Mindoro batay sa mga alituntunin ng ahensya.
“The AICS covers a broad set of beneficiaries who are in a state of active crisis or crisis situation and that is precisely what has befallen the residents of the nine municipalities of Oriental Mindoro with this massive environmental disaster,” ayon kay Sen. Sonny Angara.
Paliwanag ni Angara, malawak ang sakop ng AICS, at sakop nga rito ang environmental disaster na nakakaapekto sa 9 na municipalidad ng Oriental Mindoro.
Matatandaan na ang paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero 28 ay nagdulot ng malawakang oil spill sa lugar.
“Most of the affected municipalities are coastal communities whose residents rely on fishing as their primary source of livelihood and with the suspension of all fishing activities there, the families are faced with uncertainty over how to put food on their tables. This is where government can step in with its programs on cash aid and emergency employment,” dagdag ni Sen. Angara.
Ipinunto ni Angara na apektado rito ay ang mga naninirahan sa tabing-dagat na karamihan ay mga mangingisda.
Una na ring idineklara ang state of calamity sa mahigit 77 coastal villages ng Oriental Mindoro at base sa datos ng DSWD, humigit-kumulang 19,500 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.
Ang perang matatanggap mula sa AICs ay malaking tulong para sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, transportasyon at serbisyong medikal.
DOLE, dapat magbigay na ng emergency employment sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro
Dagdag din ng senador na maliban sa DSWD, ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay dapat na ring kumilos.
Ang mga nawalan ng trabaho na apektadong residente ay maaring mabigyan ng emergency work sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
“Isa sa nakikita kong pwedeng trabaho na ibigay sa mga residente ng Oriental Mindoro ay ang paglinis ng nagkalat na langis sa lugar nila. Sa pamamagitan ng TUPAD, kikita na sila, makatutulong pa sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad,” ayon pa sa senador.
Paliwanag pa nito na sa pamamagitan ng TUPAD, kikita at makatutulong ang mga apektadong pamilya para sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad.
Ayon kay Angara, batay sa 2023 national budget, aabot sa 20.1 bilyon piso ang inilaan para sa TUPAD program ng DOLE.
Sen. Cynthia Villar, pinasisiyat sa Senado ang oil spill sa Oriental Mindoro
Pinaiimbestigahan ni Sen. Cynthia A. Villar ang oil spill mula sa lumubog na tanker na MT Princess Empress dahil sa malawakang pinsala sa marine ecosystem at biodiversity.
Inihain ni Villar ang Senate Resolution 537 para siyasatin ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change ang dumaraming masamang epekto ng oil spill mula sa barkong lumubog sa karagatan ng Nauajan, Oriental Mindoro noong February 28.
Bagama’t natantiya na ang oil spill ay wala pang konkretong aksiyon para mapigil ang pagkalat nito.
“The oil spill has likewise affected the tourist destinations in Oriental Mindoro, such as the Bihiya Beach, 3 Cottage, Long Beach K. I, Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort, and Buhay na Tubig White Beach Resort in Oriental Mindoro, and even threatens to affect Boracay, the country’s premiere tourist destination,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairperson, Committee on Agriculture and Environment.
Binanggit ni Villar ang panawagan ng local government units, mga apektadong residente at environmentalists sa agarang pagkilos para maiwasan ang paglawak ng pinsala na nakaaapekto sa kapaligiran, kabuhayan at kalusugan pati na rin sa industriya ng turismo.
“Apart from the environmental damage to the marine ecosystem, biodiversity, fisheries and tourism, the livelihood and health of the people in the area are already adversely affected by the said oil spill,” aniya pa.
Binigyan-diin niya ang ulat ng UP-Marine Science Institute experts na posibleng maapektuhan ng oil spill ang mahigit 36,000 ektarya ng coral reefs, mangroves, at sea grass sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan at Antique.