WALANG pinagsisisihan si Sen. Bato Dela Rosa sa kaniyang naging involvement sa drug war campaign ng Duterte administration.
Sa katunayan, kung bibigyan ulit siya ng pagkakataon na mamuno sa drug war, handang-handa pa rin siyang gamitin ang kaparehong ‘approach’ ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa ipinaliwanag ng senador, hindi naman aniya maaaring isagawa ang drug war sa disenteng paraan.
‘By force’ kung tawagin dapat ang estratehiya laban sa mga kriminal.
Matatandaang siya ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipinapatupad ang naturang kampanya.