KAHIT saan sa Pilipinas, kapag PDP-Laban ang mag-organisa ng mga rally, walang lugar na hindi napupuno ang venue. Walang panahon na hindi dinudumog ang grupo lalo na kapag andyan ang senatorial candidates ng partido.
Ibig sabihin nito, sa kabila ng mga paninira at planong pabagsakin ang mga Duterte, nananatili pa rin ang lakas, impluwensiya at karisma ng grupo sa publiko.
Para sa PDP senatoriables, ramdam nila ang init ng suporta ng mga tao kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga iniendorso nitong kandidato na kumakatawan sa kanyang mga adhikain para sa bansa.
Kaya naman ang tagumpay anila ng PDP DuterTEN senatorial slate ngayong panahon ng kampanya hanggang sa Mayo a-dose ay alay nila para sa dating pangulo na ngayo’y bigong makasama, makapiling ang mga Pililino dahil sa pag-abandona ng gobyernong Marcos Jr. sa kanya at inihain sa kamay ng mga dayuhan.
“The result of this election is only dedicated ito sa kanya (FPRRD). We are working hard i honor to you Sir. Kung wala ka, wala kami rito kaya tuloy ang aming pagsusumikap para ang Duterte brand of leadership, Duterte brand of service, Duterte brand of pakikipagkapwa sa tao ay aming itutuloy kahit wala ka dito,” ayon kay Sen. Christopher “Bong” Go.
“Tandaan po natin pagpasok po natin sa mga presinto sa Lunes, tandaan lang po natin si Tatay Digong na nagserbisyo po sa atin sa anim na taon. Mas nakakalakad pa ang ating mga anak na hindi nasasaktan at nababastos. Ginawa niya po ang lahat para sa bayan at nagsakripisyo po siya,” saad ni Bong Go.
Para naman sa isa sa mga kilalang political vlogger at SMNI anchor na si Banat By, kung nais ng publiko na maibalik ang pamumuno ng mga Duterte, dapat makinig ang mga ito sa payo ng mas nakakaalam sa takbo ng politika sa bansa—si dating Pangulong Duterte.
Naniniwala si Banat By na may malalim na mensahe ang pakiusap ni Duterte sa pagboto sa sampung mga kandidato nito.
“Ako DuterTEN lang. Mga kababayan, magtiwala tayo sa wisdom..Ang wisdom diyan ay…. kasi pag binigyan mo pa ng tsansa yung iba..maghahabulan pa yan sa baba. Ako iginagalang ko ang opinyon ng ating Vice Presidente. Kaso ang ako ang tatanungin at sinasabi ng mga eksperto, mas malakas ang bloc voting. Para sa aking DuterTen lang,” saad ni Banat By.
“Ako naniniwala ako na malaki ang magagawa sa mga ninanais natin kung a DuterTEN lang ang ating iboboto sa Senado,” ani Banat By.
Sa kabilang banda, hindi inaasahan ng PDP-Laban ang mainit na pagtanggap ng mga taga-Luzon sa kanilang grupo kahit hindi nila personal na kasama ang dating pangulo.
“Sobrang saya, libu-libo ang dumalo..man natin ineexpect pero nakita nating inulan man pero nanatili pa rin upang matunghayan ang ating mga kandidato lalo na ang ating Bise Presidente Inday Sara Duterte,” ayon kay Wendel Avisado, Secretary General, PDP Laban.
Samantala, bagama’t hindi rin personal na nakapunta si Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa miting de avance ng PDP-Laban, iginiit naman ng partido na walang iwanan sa kanilang grupo – lahat ikinakampanya at lahat sinusuportahan saan man sila magtungo.
“We are campaigning as a team, not just as individual. kahit wala dito si Pastor Apollo Quiboloy, andito pa rin yung spirit niya sa atin. isa yan sa nagpapalakas sa atin na kasama natin si Pastor Apollo C. Quiboloy spiritually,” saad ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.