Sen. Bong Go, nanawagan ng suporta para sa mga atletang Pinoy sa 19th Asian Games

Sen. Bong Go, nanawagan ng suporta para sa mga atletang Pinoy sa 19th Asian Games

NAGHAYAG ng suporta si Sen. Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate Committee on Sports, para sa mga atletang Pinoy na naglalaro sa 19th Asian Games sa Hangzhou City, China.

Sa isang interview matapos nitong dumating sa China ay inihayag ng senador na manalo man o matalo, ang importante ay magkaisa tayo para sa mga atletang Pilipino!

“Our unity is the best form of moral support to inspire our competing athletes to give their best. Let us all rally behind them as they continue to bring glory to our country. Laban Pilipinas! Ipakita natin ang puso ng Pilipino na lumalaban hanggang dulo!” ayon kay Sen. Bong Go Chair, Committee on Sports.

Paliwanag niya na ang pagkakaisa ang pinakamagandang anyo ng suporta para bigyan inspirasyon ang ating mga atleta na ginagawa ang lahat sa laro.

As of October 2, ang Pilipinas ay nanalo ng isang gold, isang silver, at walong bronze medals sa Asian Games.

Ang gold medal ay napanalunan ni Ernest John Obiena sa Athletics, sa men’s pole vault event.

Si Arnel Mandal naman ang nagdagdag ng silver medal sa men’s 56kg wushu competition.

Kabilang naman sa bronze medalists sina Patrick King Perez sa Taekwondo’s men’s individual poomsae, Jones Llabres Inso, Gideon Fred Padua, at Clemente Tabugara Jr., ng wushu.

Sa Tennis, nasungkit naman ni Alexandra Eala ang bronze sa women’s singles, at isa namang bronze sa mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.

Nakakuha rin ng bronze si Elreen Ando sa women’s weightlifting 64kg division.

Isang bronze rin ang napanalunan ni Patrick Bren Coo sa Cycling BMX racing for men.

“During the budget deliberation last year, ang ipinasa po na budget ng PSC more or less about P200-M. Ako po mismo sa Senado bilang inyong chairman po ng Committee on Sports and as vice chair ng Committee on Finance, isinulong ko talaga na madagdagan po ng P1-B po ang pondo ng Philippine Sports Commission,” saad ni Sen. Bong Go.

Si Go, na nagsisilbi rin bilang vice chairperson ng Senate Committee on Finance, ay isinusulong na dagdagan ang pondo para sports programs sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang suporta para sa mga Pilipinong manlalaro.

Kabilang sa napondohan ay ang suporta para sa mga atleta na lumahok sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia at ang nagpapatuloy na Asian Games in China.

Follow SMNI NEWS on Twitter