Sen. Cayetano pinayuhan ang pamahalaan na palakasin at gawing simple ang national strategy para sa WPS

Sen. Cayetano pinayuhan ang pamahalaan na palakasin at gawing simple ang national strategy para sa WPS

HINIMOK ni Senator Alan Peter Cayetano ang gobyerno na palakasin at gawing simple ang pambansang estratehiya sa pagharap sa mga isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng bagong insidente kung saan nanutok ng military-grade laser light ang isang Chinese Coast Guard vessel sa crew ng BRP Malapascua.

Ayon kay Cayetano, isang sintomas lamang itong pinakahuling insidente ng mas komplikadong problema.

Bilang tugon, kinundena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang China sa kanilang “act of aggression.”

Ayon sa senador, pinalakas na ng mga bansang may interes sa WPS tulad ng Malaysia at Vietnam ang kani-kanilang national strategy tulad ng diplomacy, pagpapalakas ng kanilang armed forces, at pagbuo ng mga alyansa kasama ang ibang bansa.

Sinabi ni Cayetano na dapat tumindig ang gobyerno sa WPS at huwag nitong hayaan ang agresyon ng China at iba pang bansa.

Follow SMNI NEWS in Instagram