HINILING ni Senator Cynthia A. Villar na maipasa ang kanyang panukalang batas sa yellow corn dahil sa kahalagahan nito sa poultry lalo na sa mga nangingitlog.
Tataas ang produksyon ng mais at abot-kayang feeds (pagkain) para sa livestock and poultry sector sa bill ni Villar- ang Senate Bill No. 120 (An Act to Develop and Promote the Yellow Corn Industry, to Enhance Availability of Affordable and Quality Feeds, and to Provide for a Corn Competitiveness Enhancement Fund).
“This can be achieved by institutionalizing mechanization, hybrid seeds propagation and distribution, credit, extension and training, provision of insurance, marketing, organization of farmers, among others,” sabi pa ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food.
Inihayag din ni Villar na isa sa pangunahing agricultural crops sa bansa ang yellow corn na gamit bilang livestock and poultry feeds.
“It is a rainfed crop, requires simple land preparation, and can be grown in upland, even in sloping areas. It is usually harvestable after 55 – 75 days. It is mainly used for livestock and poultry feeds,” sabi pa ni Villar.
Aniya, mas pinipili ang mais bilang pagkain/patuka dahil sa mataas nitong carotene content. May 50% ng sangkap ng patuka (feeds) ay yellow corn.
Bagama’t patuloy ang pagtaas ng produksyon ng yellow corn simula 2017 base sa Philippine Statistics Authority (PSA), iginiit ni Villar na hindi ito sapat sa kailangan ng livestock and poultry sector.
Binigyan-diin niya na hindi matugunan ng ating produksyon ang kailangan ng bansa na 8.8 million tons.
Dahil dito, sinabi ni Villar na patuloy tayo sa pag-iimport ng mais, patuka (feeds) at iba pang sangkap ng patuka na nakaaapekto sa kita at kapakanan ng mga magsasaka ng mais.
Bukod sa importasyon, apektado rin ang corn farmers ng mataas ng halaga ng inputs, klima, peste at mga sakit.
Ang National Corn Program, ang banner program ng Department of Agriculture, ang tugon ng pamahalan sa mga hamong kinahaharap ng corn industry.
Pero sa kabila ng programa, dismayado pa rin ang senador na napag-iiwanan ang paglago ng industriyang ito.
“Our corn farmers are still dealing with these issues even if there has been sufficient budget given to the program through the years,” ayon kay Villar.
Muli siyang nanawagan na isulong at palakasin ang corn industry dahil magreresulta ito sa mas angat na livestock, poultry and dairy industries.