PINURI ni Senator Cynthia Villar ang mahalagang papel ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa pagpabubuti sa crop productivity at kita ng mga magsasaka.
Sa kaniyang pananalita sa 72nd founding anniversary ng BSWM, kinilala ni Villar ang bureau sa sustainable na paggamit at pangangasiwa sa soil resource.
Sinabi ni Villar na malaki ang tulong ng BSWM sa pagkakaroon ng mas resilient at environmentally conscious agricultural sector.
Simula 2015, sinabi ni Villar na partner niya ang BSWM sa pamimigay ng composting facilities sa buong kapuluan.