KINILALA ni Senator Cynthia A. Villar ang mga nagawa ng National Irrigation Administration (NIA) upang maisulong at gabayan ang pag-unlad ng irigasyon ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa 59th Anniversary Celebration ng NIA, tinukoy ni Villar ang sama-samang pagtataguyod nina NIA Administrator Bong Visaya at ang kanyang team, at ang samahan ng mga magsasaka at irrigators sa pagsusulong sa higit na paglago ng sistema sa irigasyon at pagtulong sa mga magsasaka at komunidad.
“It takes both knowledge in efficient engineering to develop and maintain irrigation systems in support of the agricultural program of the government,” ayon kay Villar.
Binanggit din ng senadora ang dedikasyon at pangako ng ‘men and women of NIA’ at ang suporta ng irrigators associations sa buong bansa na magbigay ng sapat na serbisyong pang-irigasyon bilang pakikipag-partner sa mga magsasaka at LGUs.
Binati ni Villar si Visaya at ang kanyang mga tao sa kanilang “very good accomplishments, a record in history” kung saan naitala sa 11.68% ang status ng irrigation development noong 2021.
Ito ay mas mataas sa irrigation development status sa nagdaang 10 taon o noong 2011.
Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, tumaas sa 311, 264.66 hectares o 7.95 % ang irrigation development mula 2016 to 2021.
“It also pursued Solar-Powered Irrigation Projects, where NIA has 333 solar-powered irrigation projects nationwide with an aggregate cost of P1.517 billion,” ani pa Villar.
Aniya, pinakikinabangan ng mga magsasaka na may lupa na 8 ektarya o mas mababa pa rito ang Free Irrigation Service Act (FISA) of 2018, kung saan siya ang pangunahing may akda.
“These farmers, are exempted from paying the irrigation service fee (ISF) for the irrigation derived from national and communal irrigation systems constructed and administered by NIA and other government agencies,” ayon kay Villar.
“The main benefit to farmers from free irrigation is the savings from paying the irrigation service fee in the case of national irrigation systems (NIS) and the subsidy for operations and maintenance (O&M) in the case of communal irrigation systems (CIS),” giit pa ng senadora.
Nagkakaloob din ito ng condonation at writing off sa mga utang, dating due accounts at multa sa Farmers and Irrigators Associations na unpaid ISF at multa sa mga magsasaka sa NIA.