Sen. Cynthia Villar, tiniyak ang suporta para sa kapakanan ng mga mangingisda sa gitna ng gulo sa WPS

Sen. Cynthia Villar, tiniyak ang suporta para sa kapakanan ng mga mangingisda sa gitna ng gulo sa WPS

DAHIL sa West Philippine Sea (WPS) nagmumula ang malaking porsiyento ng ating isda, iginiit ni Sen. Cynthia A. Villar na kailangan ang “Balikatan” para protektahan ito.

Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng sektor ng pangingisda na nadadamay sa agawan ng teritoryo sa WPS, tiniyak ni Villar na patuloy na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga mangingisda.

Sa kaniyang keynote address sa paglulunsad ng LAYAG-WPS Project sa Subic Gymnasium sa Zambales, araw ng Martes, binigyan niya ng diin na bukod sa paggawa ng mga batas para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ay kailangan din ng mga Pilipino na magkaisa para mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka.

“Kaya ni-launch nila ito pantulong kasi di ba nagwo-worsen ang away eh, kawawa naman ‘yung fishermen ‘di naman sila kasali doon. Sila ay naghahanap buhay lang. At kahit medyo dangerous sa West Philippine Sea, we cannot stop them,” pahayag ni Sen. Cynthia Villar, Chair, Committee on Agriculture.

Ang Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yields and Economic Gains from the WPS or LAYAG-WPS Project ay programa ng gobyerno sa pangunguna ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang mangingisda partikuar na sa WPS.

Umaasa si Villar na ang livelihood assistance na ipinagkaloob sa daan-daang mangingisda ay magreresulta sa masagana at tuluy-tuloy na huli ng isda sa ating teritoryong karagatan.

“Kaya we should pour our all-out support to the fishermen in the West Philippine Sea para ipagpatuloy nila ang hanapbuhay nila para rin sa kanilang pamilya, para may kita sila. At tayo, para sa food security ng bansa,” diin ni Villar.

Ipinakikita rin sa launching ang mga pangako ng pamahalaan na bigyan ang ating mga mangingisda ng fishing gears at technology para paigtingin ang kanilang produksiyon.

Layunin din nito na maibaba ang post-harvest losses; ilapit ang suporta ng pamahalaan sa fishing communities; itaguyod ang sustainable fisheries management base sa applicable na batas, codes, authorizations o rules at iangat ang fisheries production para makatulong sa adhikain ng pamahalaan na food security.

Sinimulan ng gobyerno ang proyekto upang mabigyan ng mabuting buhay ang ating mga mangingisda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble