Sen. Dela Rosa, hindi pabor na buwagin ang anti-drug units ng PNP

Sen. Dela Rosa, hindi pabor na buwagin ang anti-drug units ng PNP

HINDI pabor si dating PNP Chief at ngayon ay Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mungkahing buwagin na ang lahat ng anti-drug units ng Philippine National Police (PNP).

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Dela Rosa na kung bubuwagin ang anti-drug units ay tiyak na magbubunyi ang mga sindikato ng ilegal na droga.

Ayon pa sa senador, nangyari na ito noon na ipinag-utos sa PNP na “hands-off” pagdating sa ilegal na droga at hayaan na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dito.

Pero aniya, mas lalo pang lumakas ang kalakaran ng ilegal na droga.

Giit pa ni Dela Rosa, kung bubuwagin ang anti-drug units ng PNP ay malaki ang magiging epekto nito sa kabataan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter