Sen. Estrada, hinatulang not guilty ng Sandiganbayan para sa kaniyang plunder case

Sen. Estrada, hinatulang not guilty ng Sandiganbayan para sa kaniyang plunder case

HINATULAN ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na walang sala sa kaniyang P183-M na plunder case matapos itong maakusahang sangkot sa multi-billion PDAF scam.

Taong 2013 nang mabunyag ang anomalya sa PDAF scam at pagkatapos ng isang taon ay inaresto at nakulong ang senador.

Nakapag-post ito ng bail noong taong 2017.

Una namang itinanggi ni Estrada ang mga akusasyon at ang mismong state witness aniya ang sangkot sa conspiracy.

Ngunit si Estrada ay nahatulang guilty pagdating sa one count of direct bribery na may parusang 8-9 taon at 4 na buwang pagkakakulong.

Guilty rin siya sa 2 counts of indirect bribery at may parusang 2 taon at 4 na buwan hanggang 3 taon at 6 na buwan na pagkakakulong.

Pinagbabayad din siya ng Sandiganbayan ng P3-M bilang multa.

Pinatawan din siya ng temporary disqualification from office, at diskwalipikasyon sa paglahok sa halalan.

Sinabi naman ni Estrada, na gagamitin nila ang lahat ng legal remedy para mabaliktad pa ang desisyon ng korte pagdating sa bribery.

“Nothing is final, that is bailable, we will file necessary motion for reconsideration to the Sandiganbayan.”

“This is a vindication in my name I am victorious at this point but to the conviction of the indirect bribery I am not a lawyer, I have not read the decision but I am so surprised based from the information sheets there is no bribery, direct o indirect bribery filed in the information sheets but only the case of plunder.”

“I will ask my lawyers to exhaust all legal remedies or legal options available for me and I still believe,” pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble