LUBOS na ikinalulungkot ni Sen. Jinggoy Estrada ang power outage crisis na nararanasan sa Panay Island sa Western Visayas.
Nitong Enero 2, 2024 nang magkaroon ng power outage sa mga pangunahing siyudad at probinsiya rito.
Ani Estrada, nakakaapekto ito hindi lamang sa mga kabahayan sa lugar kundi pati na rin sa mga negosyo, ospital, at iba pang serbisyo sa Panay.
Mainam na maresolba aniya agad ito ng gobyerno, power utilities, at iba pang stakeholders na may kinalaman sa pagbibigay ng sapat na suplay ng kuryente.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinoproblema ng Western Visayas ang sunud-sunod na mga power outage.
Noong 2023 ay ipinanawagan na ng iba’t ibang business groups, officials, at electric power cooperatives ang pagkakaroon ng sustainable power supply sa rehiyon.