Sen. Gatchalian, ipinanawagan ang pagdepensa sa mga guro mula sa mapang-abusong paniningil ng utang

Sen. Gatchalian, ipinanawagan ang pagdepensa sa mga guro mula sa mapang-abusong paniningil ng utang

ISINUSULONG ni Senator Win Gatchalian ang panukalang batas na magbabawal sa mga mapang-abusong pangongolekta sa mga utang.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 818 o Fair Debt Collection Practices Act, ipagbabawal sa sino mang maniningil ng utang ang harassment, pang-aapi, o pang-aabuso upang makapaningil ng utang.

Kabilang sa mga ipagbabawal ang pagbabanta o paggamit ng karahasan, paggamit ng bastos na wika, pagbabahagi sa pangalan ng mga mangungutang, at iba pa.

Ipinagbabawal din sa panukalang batas ang paggamit ng mapanlinlang na pamamaraan upang makasingil ng utang.

Kabilang dito ang pananakot o pagbabanta ng pagkabilanggo.

Kabilang din ang pagbabanta ng ligal na hakbang na hindi naman maaaring gawin, pati na rin ang implikasyong may ginawang krimen ang sino mang nangutang.

Sa ilalim din ng panukalang batas, ituturing na walang bisa ang anumang mapanlinlang na kasunduan.

Mapapawalang-bisa rin ang anumang kasunduang may mapanlinlang na representasyon ng karapatan ng mga nangongolekta ng utang at sa mga obligasyon ng nangutang.

 

Follow SMNI News on Twitter