Sen. Gatchalian, muling ipinanawagan na ipatupad ang EVOSS System

Sen. Gatchalian, muling ipinanawagan na ipatupad ang EVOSS System

IPINANAWAGAN muli ni Senator Sherwin Gatchalian na ganap nang ipatupad ang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS) System.

Ito ay para mapadali sa mga prospective investor na bumuo ng mga renewable energy projects sa bansa.

Ani Gatchalian na siyang nagsisilbing vice chairperson ng Committee on Energy, makatutulong ito na magkaroon ng iba’t bang pagkukunan ng enerhiya at maisasaayos na ang suplay ng enerhiya sa Pilipinas.

Ang EVOSS Act o Republic Act 11234, na kilala bilang ‘An act establishing the energy virtual one-shop for the purpose of streamlining the permitting process of power generation projects’, ay inaasahang magpabibilis ng pamumuhunan sa sektor ng enerhiya.

Ayon kay Gatchalian, inaasahang matutugunan ng EVOSS ang red tape sa sektor ng enerhiya at maisusulong ang business environment na inaasahang makaaakit ng mas maraming mga developer ng enerhiya.

Una rito ay iniulat ng World Wide Fund (WWF) na ang red tape ay isang malaking hadlang sa pag-unlad ng renewable energy industry sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter