INAMIN ni Senator Bong Go na tinanggalan din siya ng security detail bago pa binawasan ang mga nakatalaga para kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, mga tatlong linggo na ang nakalipas nang mangyari ito sa kaniya.
Ayon kay Sen. Go, concerned rin siya sa mga pangyayaring ito lalo na’t bilang senador ay may banta rin silang natatanggap dahil kahit saang sulok aniya sila ng Pilipinas umaabot.
Sa kabila nito ay sinabi niyang nasanay rin siya na walang security detail kung umaalis.
Kamakailan ay tinanggalan si VP Sara ng 75 na mga pulis bilang security personnel.
Sa sinabing police augmentation ang dahilan para sa pagkuha ng 75 personnel mula sa kaniyang security detail, ipinagtataka ni VP Sara kung bakit ipinadala sa National Capital Region ang mga ito na kulang din naman ang mga pulis sa Mindanao.
Ang mga natira sa kaniya ngayon ay 45 na lang at mga pinili pa ni Marbil.