Sen. Go pangungunahan ang pagbubukas ng ika-162 na Malasakit Center sa bansa

Sen. Go pangungunahan ang pagbubukas ng ika-162 na Malasakit Center sa bansa

PANGUNGUNAHAN ngayon ni Sen. Bong Go ang pagbubukas ng ika-162 na Malasakit Center sa bansa.

Ito ay magaganap ngayong araw na ito sa First Misamis General Hospital sa South Poblacion bayan ng Medina, Misamis Oriental.

Ang Malasakit Center ay batas na ang pangunahing nag-akda ay si Sen. Bong Go.

Matatandaan na hirap ang ating mga kababayan noon na maka-avail ng maayos at murang halaga ng pagpapa-ospital kapag nagkakasakit.

Ito ang nagtulak kay Sen. Go na isabatas ang Malasakit Center na pinakikinabangan na ngayon ng mahigit 10 milyong Pilipino.

Follow SMNI NEWS on Twitter