HINIMOK ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na dapat may nakahandang Plan B sakaling magkaroon ng aberya sa paliparan.
Ang payo ni Go ay kasunod ng nangyaring power outage sa NAIA Terminal 3 noong Labor Day kung saan tinatayang 9 na libong pasahero sa domestic at international flights ang naapektuhan.
Ipinunto ni Go na isang malaking kawalan sa ekonomiya ng bansa tuwing nagkakaroon ng aberya sa pangunahing paliparan.
“Dapat mayroong Plan B kaagad ang gobyerno… Mahirap na kababayang pasahero,” ani Sen. Go.
Ikinadismaya ni Go ang paulit-ulit na nangyayari na power outage sa NAIA.
Matatandaan na noong January 1 ay nagkaroon ng aberya ang air traffic control ng NAIA matapos ang isang power outage kung saan 65,000 na pasahero ang naapektuhan.
Paalala ni Go na dapat ayusin ng Manila International Airport authority (MIAA), na siyang namamahala sa NAIA, ang kanilang serbisyo sa taumbayan.
Ani Go na bagamat ang domestic terminal lamang ang nagkaroon ng power outage ay apektado naman ang ilan sa kanila na naghahabol ng international flights.
Bukod sa MIAA ay sinabi rin ng senador na dapat magkaroon ng maayos na sistema ang mga airline companies para maging komportable ang mga natengga o stranded na pasahero.
“Dapat asikasuhin ng NAAA ng airline.. ,” aniya.
Naghayag din ng pagsang-ayon si Go sa pagsasapribado ng NAIA, ito ay sa paniniwala na bubuti ang serbisyo ng paliparan.