UMAASA si Senador Christopher “Bong” Go sa bagong itinalaga na si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma na bubuo sa mga tagumpay ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Go, tulad ng programang TUPAD, patuloy na gagawing mas komportable ang buhay ng ating mga kababayan, na tinitiyak na walang maiiwan sa daan patungo sa pagbangon.
Ani Go, sana sa pamumuno ni Laguesma, maipagpatuloy niya at lalo pang dumami ang matulungan ng gobyerno.
Ang pinaka-importante ay walang magutom, sikapin na bigyan ng kabuhayan ang mga mahihirap at pinaka-nangangailangan nito.