Sen. Imee, namahagi ng cash assistance sa Cavite

Sen. Imee, namahagi ng cash assistance sa Cavite

BUMISITA si Senadora Imee Marcos sa Silang Cavite nitong Miyerkules, April 12 upang mamahagi ng financial assistance sa mga nangangailangan.

Sa Facebook page ng senadora, isanlibong benepisyaryo ang tumanggap ng tig P3,000 cash mula sa DSWD-AICS program.

Samantala, nitong April 11, muling binisita at nag-abot ng tulong si Senador Imee sa Maynila at Pasig City upang maghatid ng parehong tig P3,000 cash sa isanlibong benepisyaryo mula sa DSWD-AIC program.

Sunud-sunod naman na pagbisita at pamimigay ng tulong ng senadora mula Bongabon, Jaen, San Antonio at Cabiao, Nueva Ecija na tig P3,000 libo sa sanlibong benepisyaryo nitong Lunes April 10, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter