Sen. Lacson, tinawag na kabastusan ang panawagan ni Atienza na umatras siya sa presidential race

Sen. Lacson, tinawag na kabastusan ang panawagan ni Atienza na umatras siya sa presidential race

TINAWAG na kabastusan ang panawagan ni vice presidential candidate Lito Atienza na umatras siya sa presidential race.

Ito ang naging dating kay presidential candidate Senator Ping Lacson sa panawagan ni Atienza na umatras siya sa presidential race.

Ayon kay Lacson, insulto at kabastusan ang naging panawagan na ito ni Atienza para isulong ang tandem ng katunggaling si Sen. Manny Pacquiao at running mate na si Senate President Tito Sotto.

Pagdidiin ni Lacson, hindi siya magba-back-out sa kanyang pagtakbo sa pagka pangulo ngayong May 9 elections.

Una nang sinabi ni Atienza na ikinokonsidera na niya ang pag-atras sa laban kasabay ng kanyang pagsulong sa tambalang Pacquiao at Sotto.

Follow SMNI NEWS in Twitter