HINDI dapat laging umasa ang bansa sa pag-import ng bakuna at ilang medical equipment.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa PiliPinas Debates na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC.
Aniya, kailangan nang paghandaan ang posible pang virus na darating sa bansa kaya dapat simulan na rin ng bansa ang pag-manufacture ng bakuna, personal protection equipment (PPE) at mga hiringgilya.
Dapat na rin aniyang asikasuhin ng gobyerno ang sariling pag-produce sa mga ito.
Kaugnay nito, sakaling mahalal na pangulo si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, nais nitong unahin ang pagpatatayo ng Philippine Virology Science and Technology Institute.
Ito aniya ang magiging sentro ng research and development na magiging depensa ng bansa laban sa Covid at sa mga posibleng mutations nito.
Mababatid na nagpasa na si Lacson ng panukalang batas hinggil sa Virology Science and Technology Institute ngunit hindi pa naipapasa ng Senado.
Sotto, nangakong susuportahan ang susunod na pangulo sa Anti-drug campaign
Nangako si vice presidential candidate at Senate President Vicente Sotto III na susuportahan niya ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas sa paghahanap ng solusyon para sa problema ng iligal na droga ng bansa.
Ito ang inihayag ni Sotto sa Vice Presidential Debate ng Commission on Elections.
Nais din niyang puksain ang iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng supply and demand reduction strategies.
Ani Sotto, magiging expertise din niya ang pagtutok sa Department of the Interior and Local Government at Dangerous Drugs Board.
Isa rin sa isusulong niya ang prevention at rehabilitation para sa mga drug addict.
Ipinapanukala rin nito ang Drug Abuse Resistance Education (DARE) para sa mga grade 5 hanggang grade 7 students at national sports program kabilang na ang Inter-Barangay Sports Development Programs.