Sen. Lito Lapid handang mag-resign sakaling mapatunayang protektor siya ng POGO

Sen. Lito Lapid handang mag-resign sakaling mapatunayang protektor siya ng POGO

HANDA umano si Sen. Lito Lapid na magbitiw bilang senador kung mapatutunayang siya ay sangkot o protektor sa operasyon ng POGO sa Pampanga.

Ito ang pahayag ni Lapid sa kaniyang pagdalo sa hearing ng Senado sa nabulgar na mga ilegal na aktibidad at human trafficking sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga na ni-raid ng PAOCC at PNP.

Sa pagtatanong ni Lapid, sinabi ni Porac Mayor Jing Capil na hindi pagmamay-ari ng senador ang 10 ektaryang lupain na tinayuan ng ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Nilinaw ng senador na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO na siyang inaakusa ng isang idi pinangalanang vlogger.

Sinabi ni Lapid na hindi niya dudungisan ang kaniyang pangalan na dekada na niyang pinangangalagaan.

Ayon kay Lapid, nagsilbi siyang vice-governor ng Pampanga, three-term na governor at ikaapat na termino na niya sakaling magwagi sa reelection sa 2025 senatorial elections.

“Hindi ako papayag na masira ang pangalan ko dito,” ayon kay Lapid.

Hiniling ni Lapid kay NBI Director Jaime Santiago na beripikahin ang impormasyon na sangkot sa ibat ibang kaso at wanted sa batas ang vlogger ba umuupak sa kaniya.

Nauna rito, hiniling ni Lapid sa Senate Committee on Women Children and Family Relations na isama sa imbestigasyon ang POGO operation sa Porac Pampanga at kasuhan ang mga taong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen sa illegal POGO.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter