Sen. Padilla, handang makipag-usap muli sa Kamara para gamitin ang con-ass para amyendahan ang Saligang Batas

Sen. Padilla, handang makipag-usap muli sa Kamara para gamitin ang con-ass para amyendahan ang Saligang Batas

PARA sa ikabubuti ng ating ekonomiya, handang makipag-usap muli si Senator Robinhood “Robin” C. Padilla sa House of Representatives para unahin ang pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa pamamagitan ng constituent assembly.

Sa isang panayam, ipinunto ni Padilla na maaaring taon at bilyun-bilyong piso ang aabutin kung idadaan ang pag-amyenda sa Saligang Batas sa pamamagitan ng constitutional convention na gusto ng Kamara.

Dagdag ni Padilla na bagama’t naniniwala siya sa constitutional convention, kailangan ngayon ang mabilis na pagrerebisa ng Saligang Batas patungkol sa economic provisions bukod sa gastos na maaaring umabot ng hanggang P11-B.

Nais ng mambabatas na idaan sa constituent assembly ang pagrebisa sa economic provision para makahabol ito at sumabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.

Follow SMNI NEWS in Twitter