NAPAPANSIN ni Sen. Koko Pimentel na naging sapilitan ang pagpapasali ng jeepney operators at drivers na gawin ang requirements para sa PUV modernization program.
Payo ng senador, magandang iurong ang deadline at sa halip ay i-advertise ang programa upang magiging voluntary ang pagsali ng operators at drivers dito.
Mainam aniya na mai-adjust ang requirements maging ang obligasyong pinansiyal na kinakailangan sa PUV modernization.
Sinabi pa ng senador, hindi mapipilit ang publiko na umutang at magandang hayaan sila sa kanilang desisyon.
Epektibo rin aniya kung suriin ang tunay na mga rason kung bakit marami-rami pa rin ang hindi sumasali halimbawa sa PUV consolidation na nagkaroon ng deadline noong Disyembre 31, 2023.