SUPORTADO ni Senator Koko Pimentel na hindi palawigin ang deadline ng SIM registration.
Aniya, ang target ng batas ay para malaman ang mga SIM na ginagamit para sa seryoso, ligal at importanteng mga layunin.
Kung 44% lang ani Pimentel ang nairehistro para manatiling ‘activated’ ay hayaan na ang iba pang hindi nagpaparehistro.
Si Sen. Sherwin Gatchalian ay hindi rin sang-ayon na palawigin ang SIM registration.