Sen. Revilla, pinatawad na ang mga nagpakulong sa kaniya

Sen. Revilla, pinatawad na ang mga nagpakulong sa kaniya

AMINADONG naging masakit para kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla ang pagkakakulong noon at sinabi ng actor- turned-senator na wala na siyang galit laban sa mga nagpakulong sa kaniya.

Matatandaan na apat na taon at anim na buwan na nakulong si Revilla dahil sa kasong graft at plunder noong 2014 na binawi at na-dismiss naman sa korte ng Sandiganbayan.

Nang pinangunahan ng senador ang pamimigay ng ayuda sa mga nasa laylayan ng lipunan sa Quezon City ay sinabi ng mambabatas na kaniya nang nalagpasan ang isang malaking kapagsubukan.

“Sabi ko nga, Lord salamat. ‘Yung blessing na dumating sa buhay ko sobra-sobra. Kung ano man ang pahirap sa akin, ‘yung mga taong nagpahirap sa akin pinatawad ko na sila. Sa totoo lang, kahit makaharap ko sila sa way, wala nang galit sa aking dibdib,” ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Pinapasalamatan din niya ang Diyos sa pagbabalik ng tiwala ng taumbayan hindi lamang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya.

Sa pamilya, hindi lamang siya ang pinagkatiwalaan na maglingkod sa bayan.

Ang kaniyang asawa na si Lani Mercado at anak na si Jolo ay kinatawan ng Cavite sa House of Representatives.

Si Bryan naman representative ng Agimat Party-list.

Blessings din na maituturing aniya ang kaniyang dalawang anak na babae na sina Inah at Loudette na abogado at doktora na ngayon.

Pero sa kasalukuyan, inamin naman ng senador na nais niya lamang na maglingkod sa bayan.

“Ang sa akin na lamang ay kung paano tayo makatulong sa ating bayan. Kaya ang sabi ko nga sa public service kapag tayo ay naghalalan after 45 days after election ay tama na, tulungan na, … Kung papaano tayo babangon,” dagdag ni Sen. Revilla.

Asahan na sa mga susunod na araw ay magiging madalas ang pag-iikot ni Revilla para mamahagi ng tulong.

Ayon sa senador ito ay bahagi sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa Setyembre 25.

Follow SMNI NEWS on Twitter