Sen. Revilla, pinuri si PBBM sa pagtaas ng GDP ng bansa

Sen. Revilla, pinuri si PBBM sa pagtaas ng GDP ng bansa

PINURI ni Lakas-CMD Chairman at Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang kaniyang economic team dahil sa pagtaas ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa ikatlong quarter.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), mula 5.9% ay lumago ang ekonomiya ng higit pa sa inaasahan sa market na 1.6% mula sa 2nd quarter.

Tinalo ng Pilipinas ang mga kalapit-bansa tulad ng Vietnam na may 5.3%; Indonesia at China na may 4.9%; at Malaysia na pumalo sa 3.3%.

“While we have to hit 7.2% growth in Q4 to attain our target for this year, I am optimistic that we will be doing even better by year-end,” saad ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.

Naniniwala rin si Revilla na mahihigitan pa ng bansa ang target nito para sa 4th quarter.

Idinagdag pa ni Revilla na ang mahalaga ay nasa tama tayong direksiyon para mas mabilis na maramdaman ng ating mga kababayan ang pag-usad ng ekonomiya, na magandang senyales para matugunan ang inflation at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Follow SMNI NEWS on Twitter