KINUMPIRMA ni Senator Risa Hontiveros na kasalukuyan itong nakasailalim sa self-quarantine matapos ma-expose sa isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni Hontiveros na na-expose ito noong Marso 5 sa isang host ng isang show na tumalakay sa women’s month issues at ang nasabing host ay nagpositibo sa virus noong Marso 12.
Sinabi ni Hontiveros na agad din itong nagpa-test noong Marso 12 at negatibo naman ang resulta nito.
Ngunit ani Hontiveros, upang masunod ang utos ng doktor ay kukumpletuhin niya na ang kanyang 14-day quarantine.
Samantala, isasailalim sa “complete lockdown” ang Senado ngayong araw matapos magpositibo ang isang empleyado sa COVID-19.
Isailalim sa quarantine ang Bills and Index Office kaya walang mangyaring amendments at anumang panukalang itutuloy hanggang makumpleto ang sanitasyon sa gusali ngayong araw.