Senado, isasailalim sa lockdown; walang plenary session bukas —Senate President Sotto

ISASAILALIM sa “complete lockdown” ang Senado bukas, Marso 16 matapos magpositibo ang isang empleyado sa COVID-19 na pumasok kaninang umaga.

“The Senate will be in complete lockdown tomorrow,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi ni Sotto sa kasamahan nito sa Senado na isang empleyado mula sa Bills and Index Office ang nagpositibo sa COVID-19.

He knew that his wife was positive, he attended the office this morning and they found out that he was not feeling well. They brought him to the hospital, he tested COVID-19 positive,” ayon kay Sotto.

Aniya, isailalim sa quarantine ang Bills and Index Office kaya walang mangyaring amendments at anumang panukalang itutuloy hanggang sa magkaroon ng kumpletong sanitasyon sa gusali na gagawin bukas, Marso 16.

“From tonight until tomorrow, there cannot be any sessions,” dagdag ni Sotto.

Gagawin naman sa virtual ang mga pagdinig bukas sa Senado.

SMNI NEWS