Sen. Robin iginiit na ang pagsagip sa buhay, dapat prayoridad ng AFP Reservist Training

Sen. Robin iginiit na ang pagsagip sa buhay, dapat prayoridad ng AFP Reservist Training

PAGSAGIP sa buhay ang dapat na maging prayoridad ng pagsasanay sa mga reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Iginiit ito ni Sen. Robin Padilla nitong Lunes, kung saan naging inspirational speaker sa Basic Citizen Military Course sa Senado ang aktor na si Enrico Raphael “Rocco” Nacino.

Ani Padilla, kailangan ang mga tulad ng nurse corps sa AFP tulad ni Nacino, para makatugon agad sa mga kalamidad at hindi-inaasahang gulo – lalo na’t may sumisiklab na giyera sa ibang bahagi ng mundo.

Sa kaniyang inspirational talk, iginiit ni Nacino na isang 2nd Lieutenant sa Nurse Corps ng Civil Military Affair Brigade ng AFP Reserve Command, malaking bagay ang matulungan ang kababayan.

Ani Nacino, nagsimula siyang magsanay sa BCMC noong 2016 bilang paghanda sa kaniyang teleseryeng “Descendants of the Sun.”

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble