Sen. Tulfo, dismayado sa DMW

Sen. Tulfo, dismayado sa DMW

NADISMAYA si Senator Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW).

Kasunod ito sa kanyang suhestiyon na magkaroon ng deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait dahil sa pagkakapaslang kay Jullebee Ranara.

Aniya, kinontra ni DMW Sec. Susan Ople ang kanyang suhestiyon.

Ipinaliwanag naman ni DMW Usec. Maria Anthonette Velasco-Allones na targeted deployment ban ang kanilang ipinapatupad.

Saklaw ng targeted deployment ban ang first-time domestic helpers sa Kuwait.

Bilang tugon ay sinabi ni Sen. Tulfo na bumuo ng asosasyon ng OFW at dapat ito magkaroon ng mga regular meeting.

Weekly o kahit dalawang beses isang buwan isagawa ang pagpupulong upang agarang matugunan ang mga problema na may kaugnayan sa OFW.

Follow SMNI NEWS in Twitter