Sen. Villar, nais direkta na ang pagsusuplay ng mga magsasaka sa mga pamilihan

Sen. Villar, nais direkta na ang pagsusuplay ng mga magsasaka sa mga pamilihan

IMINUNGKAHI ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Senator Cynthia Villar na dapat direkta na ang mga magsasaka sa merkado sa pagsusuplay ng kanilang mga agri products.

Ito aniya ang nakikitang solusyon ni Villar sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.

Sa isinagawang ambush interview kay Villar, ipinaliwanag ng mambabatas kung bakit tumataas ang presyo ng sibuyas dahil sa cartel kung saan ang mga trader ay binabarat ang pagbili ng mga produkto ng mga magsasaka.

Lumalabas aniya na ang mga trader ang may complete control sa supply ng sibuyas sa bansa at nagkakapagdikta ng artificial demand para tumaas ang presyo sa merkado.

Follow SMNI News on Twitter