Sen. Villar, tuluy-tuloy ang paglilinis sa mga ilog ngayong panahon ng tag-init

Sen. Villar, tuluy-tuloy ang paglilinis sa mga ilog ngayong panahon ng tag-init

KAHIT tirik ang araw ay tuluy-tuloy ngayon ang ginagawang paglilinis sa mga ilog sa Las Piñas City.

Sa pangunguna ni Senator Cynthia Villar na kilalang environmentalist, ay apat na backhoe ang naghuhukay ng silt sa mga ilog di lamang sa Las Piñas kundi maging sa mga karatig nitong lugar.

Ang mga backhoe ay mula sa Department of Environment and Natural Resouces (DENR) na ipinagkatiwala sa Las Piñas DPWH District Office.

“Kasi yung basura nagiging silt, humahalo na sa soil. Ngayon may bagong equipment ang DPWH na nagseseparate ng basura sa soil. Humingi kami ng ganun para itapon namin ang basura at yung lupa ay ibabalik namin sa mga mabababang lugar sa Las Piñas,” ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairperson, Committee on Agriculture and Environment.

Ani Villar mga backhoe ay ipadadala sa iba’t ibang lugar.

Kabilang dito ang Molino River, Parañaque River, at dalawa sa Bacoor-Zapote River na pawang contributary river sa Manila Bay.

Mahalaga sa senador na mapanatiling malinis at maayos ang daloy ng tubig sa mga nasabing ilog upang hindi bahain ang kanilang lugar sa panahon ng tag-ulan.

“Minsan bigla namang umuulan eh, di naman kumo summer walang baha. Noong Paeng, grabe yun, nasira ang aming mga halaman. Noong Paeng dumeretso ang basura sa subdivision, hindi naman lumiko sa Zapote River. Kaya galit nagalit yung mga nasa subdivision, kaya lilinisiin ko na ang lahat papunta doon,” dagdag ni Sen. Villar.

Si Senator Cynthia Villar, na tubong Las Piñas, ay kilalang kampiyon ng kalikasan.

Bukod sa paglilinis sa mga ilog sa kaniyang lugar ay nais niya ring maprotektahan ang Manila Bay mula sa ginagawang reclamation na aniya nagdudulot ng pagbaha sa ilang mabababang lugar tuwing umuulan.

“Alam ko matatabunan talaga ng desidido yung harap ng MOA, nagrereklamo na Manila Yacht Club, puro lupa na yung likod ng Sofitel. Mahirap naman sa akin na lahat bigyan ko. Ako pinipigil ko lang is sa Las Piñas, Bacoor, Parañaque, kasi para wag kami…. And sana we will serve as a model,” pagtatapos ni Villar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter