DINALUHAN ni Senator Cynthia Villar ang 30th Anniversary ng Philippine Carabao Center (PCC) sa Science City of Muñoz sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Dumalo rin si Department of Agriculture (DA) Senior Usec. Domingo Panganiban at 5 Cooperative ng Dairy Farmers, mula North Luzon, Central Luzon, Visayas and Mindanao.
Sa mensahe ni Sen. Villar, sinabi nito na isa sa serbisyo ng PCC ang pagsasagawa ng ‘Carabao Development Program’ na layong palakasin ang produksiyon ng kalabaw bilang pangunahing pinagkukunan ng karne at gatas para sa nutritional support at kita.
Kinakailangan din aniyang madagdagan ang mga taong may sapat na kaalaman at kakayahan kaugnay sa tamang pagpaparami at pag-aalaga ng kalabaw.
“You should multiply the number of person, equipped with knowledge and skills to become technicians, farmers-resource person and extension workers. They promote countryside information on carabao health and sanitation, nutrition and feeding management, breathing and reproduction including the establishment of cooperatives and production clusters for more strategic business,” pahayag ni Sen. Cynthia Villar.
Ani Villar, inilagay umano nito sa ilalim ng Republic Act 11037 (Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act) ang demand at market sa local liquid milk sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd) Feeding Program.
“Kaya wala na pong problema kung saan ibebenta ang milk, ibebenta natin sa DepEd, ‘pag ayaw kayo bilhan ng DepEd sumulat kayo sa akin at ako ang makikipag-usap sa kanila because that is a law, legal ‘yan, hindi naman natin sila pinipilit, provided by law ‘yan,” dagdag ni Sen. Villar.
Sa kabilang banda, ayon naman kay Usec. Domingo Panganiban, isang inspirasyon sa kanila ang magandang record ng PCC na magsisilbing lakas ng mga ito sa pagtupad ng kanilang layunin sa hinaharap.
Nagpaabot din ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa PCC para sa kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bawat mamamayang Pilipino.
Isa umano itong oportunidad sa pagpapaunlad ng mga pamamaraan para sa food and dairy production, introduce innovative farming methods at pagpapataas ng research activities sa pangangalaga ng farm animals.
